onsite.infoshop

An Anarchist and Autonomous Community-Based Resource Center in Muntinlupa City (Manila south), Philippines

NEVER TRUST A POLITICIAN

direktang tulong

poster fnb

As the campaign period for the May 13 polls heated up on its last day on Saturday, cab driver told that, “I am not excited to vote. Every three years, I keep hearing the same promises from the same people, who keep breaking their promises every two years. Old and new politicians are alike. They want to remain in power forever. They don’t serve the people.”

He referred to the ruling elite, whose members have been well entrenched in politics. Although dynasty and traditional politicians have become dirty words in this year’s polls, critics were not strong and proactive to allow change of candidates. In a depressed area near a river in suburban Quezon City, unemployed voters and poor residents have formed groups, like herds, to receive gifts — consisting of money and grocery items — from handlers of candidates. “Vote-buying is both a blessing and a headache for all parties concerned,” said Gemma de la Cruz at East Riverside.

Gift giving from traditional politicians has become systematic and secretive to avoid being reported by more modern and anti-corruption candidates that could lead to disqualifications from the Commission on Elections. Previous Philippine elections have also been marred by massive vote-buying, cheating, intimidations and the unabashed display of power and influence of political dynasties in Philippine politics.

FOOD NOT BOMBS AND FREE MARKET AGAINST ELECTION

923234_4599769446728_1963803094_n

248362_4599770086744_697864668_n

free market

While the politicians and their supporters are busy securing power for their own benefit; Local Autonomous Network (LAN) and autonomous activists conducted Food Not Bombs and Free Market in Luneta Park, Manila. This is related to the autonomous group’s anti election campaign started early this year. Park guards harass the volunteers, they tried to stop the group who would like to share food to hungry families and homeless. Since the activists are committed to non-violent action, they transferred to the main road, the group’s propaganda materials became more visible to the public and motorists.

922684_4599767086669_1323998370_n

1

ANTI-ELECTION STATEMENT

ANG FOOD NOT BOMBS AY MULING A-ATAKE! NGAYONG ELEKSYON AY MAGSASAGAWA NG PAMAMAHAGI NG MASUSTANSYANG PAGKAIN PARA SA MGA WALANG TAHANAN  AT  NAISANTABI NG LIPUNAN. TULAD NG ALAM NA, ANG PAMAMAGI NG PAGKAIN AY UPANG  IPAKITA ANG ATING SERYOSONG KONTRIBUSYON SA PAG-TUGON SA KAGUTUMAN AT KAHIRAPAN. ISA ITONG PAMPULITIKANG PAHAYAG LABAN SA MAPANG-APING KALAGAYAN DAHIL SA SENTRALISMO NG YAMAN AT KAPANGYARIHAN NG MGA INSTITUSYON KAGAYA NG PAMAHALAAN AT PAMILIHAN.

GAYUNDIN, MAGAGANAP ANG FREE MARKET O PAMAMAHAGI NG MGA GAMIT BILANG KRITISISMO SA SISTEMANG NAKASANAYAN NATIN KUNG SAAN  LAGING SANGKOT  ANG SALAPI.  SA NGAYON PERA ANG BATAYAN NG ATING PAGPAPAHALAGA AT PAKIKIPAG-UGNAYAN. SA ARAW NA ITO MULI NATING PAPATUNAYAN NA ANG BAHAGINAN AY  MAY HIGIT NA MALALIM NA UGAT SA ATING KULTURA AT KAMALAYAN.

ISAMA ANG MGA KAMAG-ANAK, KAIBIGAN KAPIT-BAHAY AT MGA TROPA! SALU-SALO TAYO AT TINGNA KUNG MAY MGA BAGAY TAYONG MAPAPAKINABANGAN PARA SA PAGPAPAUNLAD NGATING MGA KAKAYANAN….

Talo ang lahat ng tele-serye, noon time show at mga paikot-ikot na mga nakaka-BOBOng drama at  palabas ng mga programa ng channel two at seven (dos at syete).

 Ang ELEKSYON  ang pinaka-patok na TELE-NOBELA ngayong 2013. Nalilibang ang mga pamilya at komunidad ng ating bayan sa pag-aaway, bangayan at siraan ng mga magkakamag-anak at magkakaibigan mula sa mayayamang pamilya na naghahangad ng mga posisyon sa gobyerno.

Ang SELEBRASYON NG LOKOHAN at PANGO-GOYO ay pinapatakbo ng bilyon-bilyong pisong pondo kung saan ang isa sa may pinakamalaking pakinabang ay ang industriya ng advertising. Ang kumpletong sangkap ng LOKOHAN ay siyang nagpapaikot sa puwet ng mga tao; may KARAMPOT NA BARYA na pinapamudmod ng mga kandidato sa porma ng TUROK para sa watcher, ward leader, purok leader at precint leader. Ang bayarin sa transportasyon  at sound system ay bahagi ng bilyong pondong lumalabas tuwing eleksyon.

Ang mga nakakairitang jingles at kanta ng mga kasinungalingan ay tumutulong magtanim ng kamangmangan sa mga tao. Ang mga makukulay na tarpuline ay tiyak na dadagdag sa BASURA. Mga kalat sa kapaligiran at polusyon sa kalikasan na dapat sana’y pinagtutuunan ng pansin ng ng pansin ng mga kandidato at pulitiko.

Ang mga palakasan kagaya ng basketball, pag-pondo sa mga outing at swimming at iba pang nakaka-TANGA na gawain ay mabisang pang-uto sa mga tao lalo na sa kabataan.

SERBISYO BA TALAGA ANG DAHILAN NG PAGTAKBO SA MGA PAMPUBLIKONG POSISYON? MAY IDEYA KAYA ANG MGA KANDIDATO AT PULITIKO KUNG ANO ANG TUNAY NA KALAGAYAN NG MILYONG-MILYONG TAO SA ARKIPELAGO?

Ang mga tao ay madaling naloloko dahil sa kawalan o kakulangan ng tamang impormasyon, NAGHALINHINAN ang mga magtatay, mag-asawa, mag-pinsan, mag-balae, magkapatid at magkakamag-anak sa mga matataas na posisyon sa gobyerno.

Pero magmula ng itatag ang Republika ng Pilipinas noong huling bahagi ng 1890s; hanggang sa umano’y makamit natin ang kalayaan; hanggang sa ngayon ang KAHIRAPAN ay lalo pang tumitindi. Milyong-milyong mga tao ang dumaranas ng matinding kagutuman kada-taon. Ang kawalan ng trabaho at kabuhayan ay lalo pang nagbabaon sa tao sa kawalan ng dignidad. Nagkalat ang mga pamilyang walang tahanan sa mga pangunahing lungsod ng bansa. Higit pang masaklap, sa kabila ng bilyong pondo at utang ng gobyerno

HALOS WALA O NAPAKALIMITADO  ng PAMPUBLIKONG  SERBISYO KAGAYA NG EDUKASYON, KALUSUGAN, PABAHAY AT SUPORTA SA KABUHAYAN.

Ang kalikasan ay patuloy na nasisira dahil sa pagpayag ng mga pulitiko at opisyal sa mga mapaminsalang gawain kagaya ng mina, pagputol ng mga puno at pagdudumni sa mga katubigan na pinagmumulan ng ating buhay.

Kitang-kita din natin NA LALO PANG YUMAYAMAN ang mga pamilyang dati ng may kakayahan na sa awa ng diyos, sila rin ang mga nasa posisyon o mga kamag-anak o kaibigan din nila ang namamahala sa gobyerno.

HUWAG MALITO, HUWAG MAGPASILAW SA KARAMPOT NA BARYA, HUWAG MAGPALOKO SA MGA SALITA AT PANGAKONG KAILANMAN AY HINDI NATUPAD.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on May 13, 2013 by .
%d bloggers like this: