onsite.infoshop

An Anarchist and Autonomous Community-Based Resource Center in Muntinlupa City (Manila south), Philippines

BOBOto KA BA?

poster luneta2

The following excerpts are taken from Manila Standard’s article ” Acts of impunity in the first Philippine republic

(source: http://manilastandardtoday.com/2013/01/30/acts-of-impunity-in-the-first-philippine-republic/)

“History records that the first instance of impunity among Filipino leaders happened in 1897 during the Tejeros convention in Cavite, where the seeds of the early Philippine republic started germinating.

According to witnesses, the convention election was rigged prior to its start to ensure that Emilio Aguinaldo would prevail over Andres Bonifacio, the father of the Philippine revolution and founder of the Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. It appears that some election ballots were already filled out with Aguinaldo’s name before the election was held.

This election rigging was the original sin that tainted the first Philippine republic (or is it Kawit Republic?). It is a practice that continues today.

After Aguinaldo’s anomalous election as president, it is no longer beyond conjecture that he and his lackeys like Daniel Tirona would plan to completely eliminate Bonifacio to “secure their leadership of the movement.

This is so because despite Aguinaldo’s election, the other leaders of the Katipunan like Miguel Malvar of Batangas, Emilio Jacinto of Laguna and Macario Sakay of Morong (now Rizal province) did not participate in the Tejeros convention and only recognize Bonifacio as the legitimate father and leader of the revolution. (They also continued the revolution even after Aguinaldo’s surrender to the Spaniards at Biak na Bato, San Miguel, Bulacan).

Bonifacio and his brother Procopio were murdered on May 10, 1897 on orders of Aguinaldo in the mountains of Cavite by Macapagal and his men. Macapagal was later promoted by Aguinaldo to the rank of (brigadier) general (this practice of promoting those who committed nefarious acts is prevalent today in our armed forces and national police).”

—————————————————————————————

ANG FOOD NOT BOMBS AY MULING A-ATAKE! NGAYONG ELEKSYON AY MAGSASAGAWA NG PAMAMAHAGI NG MASUSTANSYANG PAGKAIN PARA SA MGA WALANG TAHANAN  AT  NAISANTABI NG LIPUNAN. TULAD NG ALAM NA, ANG PAMAMAGI NG PAGKAIN AY UPANG  IPAKITA ANG ATING SERYOSONG KONTRIBUSYON SA PAG-TUGON SA KAGUTUMAN AT KAHIRAPAN. ISA ITONG PAMPULITIKANG PAHAYAG LABAN SA MAPANG-APING KALAGAYAN DAHIL SA SENTRALISMO NG YAMAN AT KAPANGYARIHAN NG MGA INSTITUSYON KAGAYA NG PAMAHALAAN AT PAMILIHAN.

GAYUNDIN, MAGAGANAP ANG FREE MARKET O PAMAMAHAGI NG MGA GAMIT BILANG KRITISISMO SA SISTEMANG NAKASANAYAN NATIN KUNG SAAN  LAGING SANGKOT  ANG SALAPI.  SA NGAYON PERA ANG BATAYAN NG ATING PAGPAPAHALAGA AT PAKIKIPAG-UGNAYAN. SA ARAW NA ITO MULI NATING PAPATUNAYAN NA ANG BAHAGINAN AY  MAY HIGIT NA MALALIM NA UGAT SA ATING KULTURA AT KAMALAYAN.

ISAMA ANG MGA KAMAG-ANAK, KAIBIGAN KAPIT-BAHAY AT MGA TROPA! SALU-SALO TAYO AT TINGNA KUNG MAY MGA BAGAY TAYONG MAPAPAKINABANGAN PARA SA PAGPAPAUNLAD NGATING MGA KAKAYANAN….

Talo ang lahat ng tele-serye, noon time show at mga paikot-ikot na mga nakaka-BOBOng drama at  palabas ng mga programa ng channel two at seven (dos at syete).

Ang ELEKSYON  ang pinaka-patok na TELE-NOBELA ngayong 2013. Nalilibang ang mga pamilya at komunidad ng ating bayan sa pag-aaway, bangayan at siraan ng mga magkaka-mag-anak at magkakaibigan mula sa mayayamang pamilya na naghahangad ng mga posisyon sa gobyerno.

Ang SELEBRASYON NG LOKOHAN at PANGO-GOYO ay pinapatakbo ng bilyon-bilyong pisong pondo kung saan ang isa sa may pinakamalaking pakinabang ay ang industriya ng advertising. Ang kumpletong sangkap ng LOKOHAN ay siyang nagpapaikot sa puwet ng mga tao; may KARAMPOT NA BARYA na pinapamudmod ng mga kandidato sa porma ng TUROK para sa watcher, ward leader, purok leader at precint leader. Ang bayarin sa transportasyon  at sound system ay bahagi ng bilyong pondong lumalabas tuwing eleksyon.

Ang mga nakakairitang jingles at kanta ng mga kasinungalingan ay tumutulong magtanim ng kamangmangan sa mga tao. Ang mga makukulay na tarpuline ay tiyak na dadagdag sa BASURA. Mga kalat sa kapaligiran at polusyon sa kalikasan na dapat sana’y pinagtutuunan ng pansin ng ng pansin ng mga kandidato at pulitiko.

Ang mga palakasan kagaya ng basketball, pag-pondo sa mga outing at swimming at iba pang nakaka-TANGA na gawain ay mabisang pang-uto sa mga tao lalo na sa kabataan.

SERBISYO BA TALAGA ANG DAHILAN NG PAGTAKBO SA MGA PAMPUBLIKONG

POSISYON? MAY IDEYA KAYA ANG MGA KANDIDATO AT PULITIKO KUNG ANO ANG

TUNAY NA KALAGAYAN NG MILYONG-MILYONG TAO SA ARKIPELAGO?

Ang mga tao ay madaling naloloko dahil sa kawalan o kakulangan ng tamang impormasyon, NAGHALINHINAN ang mga magtatay, mag-asawa, mag-pinsan, mag-balae, magkapatid at magkakamag-anak sa mga matataas na posisyon sa gobyerno.

Pero magmula ng itatag ang Republika ng Pilipinas noong huling bahagi ng 1890s; hanggang sa umano’y makamit natin ang kalayaan; hanggang sa ngayon ang KAHIRAPAN ay lalo pang tumitindi. Milyong-milyong mga tao ang dumaranas ng matinding kagutuman kada-taon. Ang kawalan ng trabaho at kabuhayan ay lalo pang nagbabaon sa tao sa kawalan ng dignidad. Nagkalat ang mga pamilyang walang tahanan sa mga pangunahing lungsod ng bansa. Higit pang masaklap, sa kabila ng bilyong pondo at utang ng gobyerno HALOS WALA O NAPAKALIMITADO  ng PAMPUBLIKONG  SERBISYO KAGAYA NG EDUKASYON, KALUSUGAN, PABAHAY AT SUPORTA SA KABUHAYAN.

Ang kalikasan ay patuloy na nasisira dahil sa pagpayag ng mga pulitiko at opisyal sa mga mapaminsalang gawain kagaya ng mina, pagputol ng mga puno at pagdudumni sa mga katubigan na pinagmumulan ng ating buhay.

Kitang-kita din natin NA LALO PANG YUMAYAMAN ang mga pamilyang dati ng may kakayahan na sa awa ng diyos, sila rin ang mga nasa posisyon o mga kamag-anak o kaibigan din nila ang namamahala sa gobyerno.

HUWAG MALITO, HUWAG MAGPASILAW SA KARAMPOT NA BARYA, HUWAG MAGPALOKO SA MGA SALITA AT PANGAKONG KAILANMAN AY HINDI NATUPAD.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on May 12, 2013 by .
%d bloggers like this: